Tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Clark Freeport Zone sa Pampanga bilang susunod na economic hub sa Luzon, sa hinaharap.
Sa kanyang talumpati sa kauna-unahang Kapampangan Food Festival, ipinunto ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng Clark Freeport bilang investment at tourist destination at ambag nito sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Aminado ang punong ehekutibo na maaaring abutin ng mahabang panahon bago tuluyang ma-develop ang nabanggit na lugar at tanging kulang na lamang anya ay imprastrukture.
Hindi na anya “ideal” na maging investment destination ang Metro Manila dahil sa pagsisiksikan kaya’t upang ma-decongest ay kailangang lumipat sa mga lalawigan.