Inihayag ngayon ng National Organizing Committee ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nation na ang Clark International Airport sa Pampanga ang gagamitin ng mga state leaders na dadalo sa ASEAN summit sa susunod na buwan.
Ayon kay NOC Director General Ambassador Marciano Paynor , ito ay batay sa naging kautusan ni Pangulong Duterte na hindi dapat maapektuhan ang mga commercial flights sa NAIA o Ninoy Aquino International Airport.
Paliwanag pa ni Paynor , mas kakaunti kumpara sa naia ang maapektuhang flights sa Clark kaya ito ang pinaka – logical na gamitin sa ASEAN.
Matatandaang mahigit 400 flights ang nakansela sa NAIA sa APEC summit nuong 2015 dahil ito ang ginamit ng mga dumalong state leaders.