Planong isapribado ng Bases Conversion Development Authority (BCDA) ang Clark Stadium na ipinatayo para sa Southeast Asian (SEA) Games.
Ayon kay Senador Sonny Angara, ipinaliwanag ito ng BCDA sa budget hearing ng senado upang pawiin ang pangamba na maging ‘white elephant’ lamang o mawalan ng pakinabang ang stadium na ginastusan ng bilyong piso.
Batay anya sa paliwanag ng BCDA, may mga kausap na silang dayuhan at lokal na kumpanya na interesadong mangasiwa sa Clark Stadium.
Kinumpirma ni Angara na batay sa pagtaya ng BCDA, aabot sa halos P200-million ang kailangan taun-taon para sa maintenance lamang ng Clark Stadium.