Target ng flag carrier na Philippine Airlines (PAL) na magtayo ng mas malaking terminal nito sa Clark International Airport sa Pampanga.
Ayon kay Alex Cauguiran, CEO ng Clark International Airport, magsisilbi itong paghahanda para sa mas maraming flights na kanilang ilalarga at para mapaluwag din ang paliparan ng Maynila.
Noong isang taon pa nagsimulang maghimpil ang mga eroplano ng PAL sa Clark at inaasahang lalo pa itong darami sa mga susunod na taon.
Magugunitang pinaplantsa na ng pamahalaan ang ilang mga pagbabago at developments sa Clark bilang isa sa mga pinakabagong urban city sa labas ng Metro Manila sa ilalim ng Public Private Partnership.
By Jaymark Dagala