Papayagan na ring makadaan sa Skyway stage 3 ang mga class 2 vehicles simula ngayong araw.
Kabilang sa class 2 vehicles ang mga maliliit na bus, light trucks at mga sasakyang may taas na 7 feet at 6 inches.
Makakadaan na rin ang mga ito sa NAIAX upang mapabilis ang biyahe
Mayroong nakalaang lane para sa class 2 vehicles sa ilang bahagi ng skyway sa:
- Quezon Avenue Northbound/Southbound;
- Main Plaza Sucat Area;
- Quirino Northbound/Southbound Exit;
- Dr. A. Santos;
- Doña Soledad;
- Buendia Northbound/Southbound;
- Del Monte Northbound/Southbound;
- G. Araneta Northbound Entry;
- Nagtahan Northbound/Southbound; at
- NAIAX