Nanawagan ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa Department of Education (DepEd) na pag-aralan ang class size o dami ng estudyante sa klase.
Paliwanag ni ACT Secretary General Raymond Basilio, marami ng mga guro ang dumadaing dahil sa tambak na trabahong kailangang gawin.
Malaki aniya ang tulong kung mas maliit ang size o bilang ng mga estudyanteng hinahawakan ng isang guro.
Ani Basilio, nangangamba siya sa na baka maisaalang-alang na ang kalidad ng edukasyon sa dami ng mag-aaral na isa-isang tututukan.