Patuloy pang dumarami ang class action suit na isinasampa laban kay Pambansang Kamao Manny Pacquiao kaugnay ng hindi nito pagdedeklara ng injury bago ang laban kay Floyd Mayweather Jr.
Ayon sa Associated Press, umaabot na sa tatlumput dalawang lahat ang class suits laban kay Pacquiao sa Estados Unidos.
Isinisisi ng mga boxing fan kay Pacquiao ang kinalabasan ng bakbakang Pacquiao-Mayweather na boring at hindi anila entertaining.
Giit pa ng mga ito, hindi sulit ang kanilang binayad at pinagkakitaan lang aniya ng mga promoter ang tinaguriang Fight of the Century.
Dahil dito, humihingi ng tig-5 million US dollars na danyos ang bawat naghain ng reklamo laban kay Pacquiao.
By Ralph Obina