Maaaring suspindihin ng Regional Offices at Schools Division Offices ng Department of Education (DepEd) ang mga klase at iba pang Teaching-Related Activities ngayong buwan sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.
Sa isang memorandum, sinabi ng DepEd na nakakabahala ang pagsirit ng mga kaso ng virus.
Ayon pa sa Kagawaran, ang mga concerned offices ang magdedesisyon kung gaano katagal ang class suspension ngunit hindi dapat ito lalagpas ng 2 linggo.
Maaari rin anilang magpatupad ng adjustments sa school calendar ang naturang mga tanggapan upang matiyak na sapat ang bilang ng school days o pasok ng mga estudyante alinsunod sa Republic Act 11480.
Maliban dito, inatasan rin ng DepEd ang mga paaralan na ipatupad ang kinakailangang measures sa pagpapatupad ng Academic ease.