Nagdeklara na ng kanselasyon ng klase ang ilang lalawigan kasunod ng inaasahang pagtama ng Bagyong Karding sa bansa.
Ayon sa Aurora Provincial Government, kinansela nila ang klase sa lahat ng lebel ng mga pampublikong paaralan sa kanilang lugar upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante.
Epektibo ang suspensyon na ito, bukas araw ng Lunes, September 26, 2022.
Pahayag ng Lokal na Pamahalaan ng Aurora, alinsunod ang deklarasyon ng class suspension sa inilabas na Memorandum no. 2022-13 series of 2022 ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC).
Ipinauubaya naman ng Aurora LGU ang pagdedeklara ng kanselasyon ng klase sa mga pribadong paaralan sa kanilang mga school administrator.