Posibleng sa weekend na i-anunsyo kung palalawigin pa ang class suspension sa Metro Manila.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, mahigpit nilang pinag aaralan araw-araw ang sitwasyon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ani Nograles, nakabatay sa paggalaw ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang panig ng bansa ang class suspension.
Nilinaw ni Nograles na maaaring magdeklara na lamang ng walang pasok sa mga lugar na makikitaan lang ng pagtaas ng kaso ng sakit.
Gayunmani sinabi ni Nograles na isa lamang ito sa mga tinitingnang anggulo sa pagdedesisyon kaugnay sa pagsususpinde ng klase.
Marami pa aniya ang dapat isaalang alang kaya matinding pag-aaral umano ang isinasagawa ng mga otoridad hinggil dito.