Nais ng Philippine Southeast Asian (SEA) Games Organizing Committee na ipasuspinde ang klase sa mga lugar kung saan mayroong SEA Games events mula November 30 hanggang December 11.
Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, na sya ring chairman ng Philippine SEA Games Organizing Committee Foundation, bahagi rin naman ng education ang sports at mapapanood din ito ng mga bata sa telebisyon.
Layon anya nito na maibsan ang masikip na daloy ng trapiko sa mga lugar kung saan gaganapin ang mga sports events.
Tiniyak rin ni Cayetano na ginagawa rin nila ang lahat ng paraan upang matiyak na malapit lamang sa venue ang magiging tirahan ng mga atleta.
Sa November 30 bubuksan ang SEA Games sa Philippine Arena sa Bulacan at magtatapos ito sa December 11.
Ang iba pang venues ng sports events ay ang Rizal Memorial Sports Complex, Athletics Stadium at Aquatic Center sa New Clark City.