Nagkaayos na ang magkapatid na si Claudine at Marjorie Baretto matapos magsama sa isang family reunion.
Sa instagram post ng aktres na si Claudine, ibinahagi nito ang isang video kung saan, kasama niyang nagdiwang ng bagong taon ang kaniyang nakaalitang kapatid na si Marjorie.
Makikita sa video na kasama ni Claudine ang kaniyang anak na si Sabina, nakatatandang kapatid na si Mito Barretto maging ang anak ni Marjorie na si Leon Baretto sa kanilang hometown sa Olongapo.
Samantala, ibinahagi din ng anak ni Claudine na si Sab ang litrato kasama ang pamilya nito kung saan, masayang sinalubong ng kanilang pamilya ang bagong taon. —sa panulat ni Angelica Doctolero