Kapansin-pansin ang malaking ipinayat ng katawan ni Claudine Barreto sa kanyang muling pagbabalik sa Star Cinema para sa isang movie.
Ayon kay Claudine, nakaka-pressure naman kasi ang kanyang mga makakasama sa pelikula kaya’t kailangan nyang magpa-seksi.
Kasama dito si Kris Aquino, Iza Calzado at ang payat na payat na si Kim Chui.
Bukod dito, mas na-pressure siya sa naging bilin sa kanya ni Direk Chito Roño na bilang gaganap sa papel na mistress ay kailangan ay mas seksi at kaakit-akit sya kumpara sa asawa.
By Rianne Briones