Tila may posibilidad na magkakaroon ng reunion movie ang dating magkasintahang Mark Anthony Fernandez at Claudine Barretto.
Ito ay matapos na mag-post ang actress sa kanyang social media account na kasama ang actor at ang mga big boss ng Viva Entertainment.
Ikinatuwa naman ng mga fans ang muling pagsasama ng dalawa sa big screen dahil matutunghayan aniya nila muli ang tambalan ng dalawa na nagsimula noong dekada 90.
Matatandaang noong Disyembre ay nakalaya si Mark Anthony matapos ang mahigit na isang taon na pagkakakulong dahil sa iligal na droga.
Una nang nagsama ang dalawa sa pelikulang “Pare Ko” noong 1995 at “Mangarap Ka” noong 1996.
—-