Kahit pa magkahiwalay ang mag-asawang sina Claudine Baretto at Raymart Santiago, idinaos pa rin nila ang pasko bilang pamilya.
Sa Instagram post ni Claudine, makikitang sama-sama sila, kapiling ang dalawang anak na sina sabina at santino.
Una nang inihayag nina Claudine at Raymart na hindi nila hahayaang maapektuhan ang kanilang mga anak dahil lamang sa kanilang hindi pagkakaunawan bilang mag-asawa.
Kinasal sina Raymart at Claudine noong 2006 at taong 2013 ng magsampa si Claudine ng annulment sa Korte dahil sa pananakit umano ni Raymart sa kanya.
By: Avee Devierte