Inamin ni Claudine Barretto na pagod na siya sa legal battle nila ng dating asawang si Raymart Santiago.
Sinabi ni Claudine na ginawa na niya ang lahat para lamang maging maayos ang kanilang relasyon o atleast ay maging friends man lamang sila for the sake of their children.
Sa kabila aniya ng kaniyang mga efforts ay wala pa ring nagbabago.
Nangangahulugan kaya ito aniya na hindi talaga magkakaayos sina Claudine at Raymart not even sa kanilang pinagsamahan o mga sweet moments noong couple pa sila?
Ayon kay Claudine, kahit nasa last stage na nang pag-aayos sana nila ni Raymart sa korte ay ramdam na niya ang pagkapagod.
Ngunit naniniwala pa rin ang marami na magkaka-ayos pa din ang dating mag-asawa lalo’t ang pangunahing apektado sa kanilang pinagdaraanan ay ang kanilang mga anak.
By Judith Larino