Nakapagtala ng magnitude 4.8 na lindol ang munisipalidad ng Claveria, Cagayan Province.
Ayon sa PHIVOLCS, namataan ang lindol sa layong 18.7 degrees hilaga at 121 degrees silangan o limang kilometro kanlurang bahagi ng nabanggit na lugar.
May lalim ang lindol ng aabot sa limampu’t anim na kilometro at tectonic ang origin nito.
Nakapagtala naman ng intensity IV sa Claveria, Pamplona, Sanchez Mira, Abulug, At Allacapan, Cagayan; Flora, Apayao; Pagudpud, Bangui, Burgos, Pasuquin At Bacarra, sa Ilocos Norte.
Intensity III – Amulung, Alcala, Sta. Ana at Sta. Praxedes, Cagayan; Pasuquin, Laoag City, Batac at San Nicolas, Ilocos Norte.
Intensity II – Peñablanca at Tuguegarao City, Cagayan; Currimao, Ilocos Norte
Intensity I – Sinait, Ilocos Sur; Badoc, Ilocos Norte
Samantala, nakapagtala din ng instrumental intensity ang naturang lindol kung saan:
Intensity III – Laoag City, Ilocos Norte; Gonzaga and Claveria, Cagayan
Intensity I – Sinait, Ilocos Sur
Wala namang inaasahang aftershock matapos ang pagyanig. —sa panulat ni Angelica Doctolero