Nagsagawa ng clean-up activity sa mga lugar na apektado ng pagbaha ang lokal na pamahalaan ng Dipolog, Zamboanga Del Norte, sa Pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office o CENRO.
Ito ay para maibalik ang kalinisan sa buong lungsod, partikular na sa mga lugar na labis na naapektuhan ng pagbaha dahil sa pag-ulan dulot ng Low Pressure Area.
Nakiisa rin ang ilang opisyal ng pamahalaan kabilang na ang alkalde ng nasabing lungsod na si Mayor Darel Dexter Uy. —mula sa panulat ni Hannah Oledan