Hinimok ni Senador Nancy Binay ang mga ahensya ng gobyerno at local government units na paigtingin ang pagsasagawa ng clean – up drive operations.
Ito ay para makaiwas sa mga sakit partikular na ang dengue ngayong nagsimula na ang panahon ng tag-ulan.
Nabatid ng senadora na tumaas sa walumpu’t pitong (87) porsyento ang kaso ng dengue sa Cordillera Region sa unang apat na buwan pa lamang ng taon.
Ayon kay Binay, posibleng nag-ugat ang paglaganap ng naturang sakit dahil sa hindi maaayos na paglilinis ng kapaligiran at pagtatambak ng mga basura sa mga tahanan at maging sa mga eskuwelahan.
—-