Masinsing sinusubaybayan ng Pangulong Benigno Aquino III ang sitwasyon sa mga lugar na dinaanan ng bagyong Nona.
Bukod dito, ipinag-utos na rin ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang paglilinis sa mga nakahambalang na debris na dala ng bagyo.
Ayon kay NDRRMC Spokesman Mina Marasigan, bukod sa on site clearing operations, sinisikap na rin ng pamahalaan na maibalik ang serbisyo ng kuryente at komunikasyon sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.
Binigyang diin ni Marasigan ang mahigpit na direktiba ng Pangulong Aquino sa NDRRMC na tiyaking maibalik agad ang mga kinakailangang serbisyo sa mga sinalanta ng bagyo sa loob ng 24 oras.
By Jaymark Dagala