Muling nagkasa ng clearing operation ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Mabuhay Lanes bilang paghahanda sa pagsasara ng Edsa Kamuning Flyover-Southbound bukas.
Kabilang sa mga inikutan ng ahensya ang Mother Ignacia Avenue, Samar Avenue, Panay Avenue at Scout Borromeo sa Quezon City.
Umabot sa 21 sasakyan ang nahatak ng MMDA at 80 ang na-ticket-an dahil sa ilegal na pagpaparada.
Nasa 2,000 piso naman ang karampatang multa para rito at babayaran ng may-ari ng sasakyan ang towing fee mula sa lugar kung saan nahatak ang kanilang sasakyan hanggang sa impounding area.