Target ng Armed Forces of the Philippines o AFP na matapos na sa lalong madaling panahon ang kaguluhan sa Marawi City lalo’t nagsimula na ang banal na buwan ng Ramadan.
Ayon kay AFP Spokesperson Brig. General Restituto Padilla, puspusan ang ginagawa nilang clearing operation sa Marawi upang maibalkik ang katahimikan at kaayusan sa lugar.
Sinabi din nito na sinisikap ng tropa ng pamahalaan na masagip ang mga residenteng na-trap ngayon sa nagpapatuloy na bakbakan ng militar at Maute ISIS group sa Marawi.
“Simula ng nagsimula tayo sa pagpasok at pag-clear, may mahigit 100, 124 to be exact nung the other day pero kagabi nakakuha kami ng ulat na 300 mahigit na ang natulungan nating residente, nakaalis doon sa lugar na may labanan na mailikas sila at mailabas sila sa area of conflict”, pahayag ni Padilla.
By Ralph Obina