Double time na ang ginagawang clearing operation ng mga otoridad sa probinsya ng Oriental Mindoro na isa sa mga lubhang tinamaan ng bagyong Nona.
Ayon kay Governor Alfonso Umali, nililinis na ang mga kalsada upang mas mabilis na matugunan ang pangangailangan sa mga isolated na lugar.
Bagama’t walang kuryente at komunikasyon ay sapat naman aniya ang ayuda na ibinigay ng gobyerno.
Una nang isinailalim sa state of calamity sa buong probinsya dahil sa matinding pinsala na idinulot ng bagyong Nona
“Ang isa pang problema ay walang biyahe, alam mo sa amin pag nagsi-signal number 1 talagang walang biyahe kaya ang mga produkto, hindi lang yung turista, nabubulok lahat eh.” Pahayag ni Umali.
By Rianne Briones | Ratsada Balita