Sinimulan na ng Manila Police District (MPD) ang clearing operation sa paligid ng simbahan ng Quiapo.
Layon nito na maiwasan na ang tambak na mga basurang naiiwan sa tuwing natatapos ang traslacion ng Itim na Nazareno.
Ayon kay Sta. Cruz Police Station Commander Cesar Domingo, alas-6:00 kaninang umaga ng suyurin nila ang kahabaan ng Quiapo para paalisin ang mga vendor.
Partikular na tinumbok ng clearing operations ang mga kalye ng Palanca, Villalobos, Evangelista, Plaza Miranda at Quezon Boulevard.
Nanawagan naman si Manila City Administrator Erikson Alcovendaz sa mga vendor na huwag nang tangkain pang pumuwesto sa mga ipinagbabawal na lugar upang hindi makaabala sa traslacion at hindi mahuli ng mga awtoridad.
—-