Dapat na ipagpatuloy ng militar ang clearing operations para matiyak na wala nang natitirang terorista sa Marawi City.
Binigyang – diin ito ni Senador JV Ejercito matapos igiit na hindi pa dapat alisin o i-lift ang martial law sa Mindanao kahit pa napatay na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.
Pabor naman aniya ang mga taga-Mindanao sa martial law sa kanilang lugar dahil napipigilan o naiiwasan ang warlordism at hindi makakakilos ang mga private army.
Sinabi pa ni Ejercito na maaaring makabuti ang patuloy na pag-iral ng martial law sa Mindanao para mapahusay ang peace and order na tiyak na magsusulong ng kabuhayan sa Mindanao.