Bahagyang bumilis ang isinasagawang clearing operations ng militar sa mga gusaling inuukopa ng teroristang Maute group sa lungsod ng Marawi.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines o AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, kung dati nasa 9 na gusali kada araw ang naki-clear ng militar ngayon aniya ay naglalaro na ito sa 18 hanggang 20 gusali kada araw.
Isa sa nagpapahirap pa rin sa clearing operation ang mga nakatanim na patibong sa mga gusali.
Makailang ulit nang sinabi ng AFP na ngayong buwan inaasahang makalalaya mula sa mga terorista ang buong syudad ng Marawi gayunman hindi pa matiyak sa ngayon kung kailan eksaktong matatapos ang gulo sa lungsod.
Sa ngayon ay aabot na sa 660 ang mga napapatay na kalaban sa Marawi.
—-