Iginiit ng Philippine National Police (PNP) Highway Patrol Group na hindi ningas kugon ang nasimulan nilang clearing operations sa Mabuhay Lanes sa Metro Manila.
Ayon kay PNP-HPG Dir. C/Supt. Arnold Gunnacao, magtutuluy-tuloy ang kanilang paglilinis sa mga alternate routes para bigyang daan ang mga motoristang nais umiwas sa EDSA.
Permanenteng alternatibong ruta na aniya ang Mabuhay Lanes na maaaring daanan ng mga motorista hindi lamang sa panahon ng Kapaskuhan.
Kaninang umaga, sinugod ng mga tauhan ng PNP-HPG ang mga sasakyang nakabalandra sa mga kalsada sa Maynila kung saan, ilang sasakyan din ang kanilang pinagbabatak.
By Jaymark Dagala | Jonathan Andal