Magpapatuloy ang paglilinis sa Mabuhay Lanes sa Metro Manila hanggang sa matapos ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III sa June 30, 2016.
Ito ang inihayag ni Secretary to the Cabinet at Traffic Czar Jose Rene Almendras.
Ayon kay Almendras, bawal ang pagpaparada sa mga tinukoy na Mabuhay Lanes at solusyon na rin aniya ito sa problema sa trapiko sa Metro Manila.
Nauna nang inihayag ng MMDA na layon ng paglilinis nila sa Mabuhay Lanes na tanggalin ang mga illegally parked vehicles bilang bahagi pa rin ng preparasyon sa APEC Summit.
By Meann Tanbio