Minamadali na ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang clearing operations sa mga obstructions sa lungsod.
Ito ay kasunod ng papalapit na papalapit na deadline na ibinigay ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan hinggil dito.
Sa kabila nito ay aminado ang mga opisyal ng lungsod na marami pa ring obstruction sa mga lansangan na kanilang nasasakupan.
Matatandaang sa Linggo, Setyembre 29 na ang itinakdang deadline ng DILG para malinis ang mga nakaharang sa lansangan sa mga barangay sa buong bansa. — ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)