Nagtulong-tulong sina Stephen Curry, Kevin Durant at Klay Thompson sa animnapu’t pitong (67) puntos para idispatsa ang defending champion na Cleveland Cavaliers.
Inilampaso ng Warriors ang Cavs sa iskor na 126-91.
Kumana ng dalawampu’t pitong puntos si Thompson, nakapagtala ng dalawampu’t isang (21) puntos si Durant habang dalawampung (20) puntos naman ang naiambag ni Curry.
Samantala, nakapagtala naman si Draymond Green ng triple double para sa laban ng Warriors.
Umiskor si Green ng labing isang (11) puntos, labing tatlong (13) rebounds at labing isang (11) assists.
By Ralph Obina