Nakabawi ang Cleveland Cavaliers sa Game 3 ng 2016 NBA Finals kontra defending champion Golden State Warriors.
Nanaig ang pinatinding opensa at depensa ng Cavaliers dagdag pa ang kanilang homecourt advantage upang ilampaso ang Golden State sa score na 120-90 upang selyuhan ang serye na 2-1.
Gaya ng inaasahan, hindi binigo ni Lebron James ang Cavalier fans makaraang pangunahan ang team sa score na 32 points at 11 rebounds habang nag-ambag ng 30 points at 8 assists si Kyrie Irving.
Sinubukan namang ibangon ni Stephen Curry ang Warriors subalit hindi sapat ang pinakawalan nitong 19 points at halos hindi rin nagamit ang kanilang star bench player na si Shaun Livingston na naging susi sa panalo ng team sa Game 1.
Muling maghaharap ang dalawang koponan sa Game 4 ng Finals sa homecourt pa rin ng Cavaliers sa Quicken loans Arena sa Cleveland, Ohio, sa Sabado.
By Drew Nacino
Photo Credit: Bob Donnan/USA Today Sports