Pinataob ng Cleveland Cavaliers ang Milwaukee Bucks sa NBA sa iskor na 119-90.
Tinambakan ng Cavs ang Bucks sa una, 3rd at 4th quarter dahilan para maiuwi ng koponan ang kanilang plano.
Nanguna sa panalo ng Cavs ay si Cedi Osman na gumawa ng 23 points, 5 rebounds at 4 assists habang nakapagtala naman ng 22 points, 4 rebounds at 6 assists si Darius Garland.
Abangan naman ang susunod na laro ng Cavs sa NBA kung saan, kanilang makakalaban ang Atlanta Hawks alas-otso-trenta mamayang umaga oras sa Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero