Tagumpay ang Cleveland Cavaliers na mapayuko ang Philadelphia 76ers.
Umiskor ng 34 points si Lebron James na sinuportahan naman nina Kyrie Irving na gumawa ng 24 points at Kevin Love na nagdagdag ng 18 points at 10 rebounds.
Sinabi ni James na hindi naman naging palaban ang 76ers kaya’t madali nila ito aniyang nasugpo nang i-poste ang iskor na 38-23 sa second quarter at 70-52 sa halftime.
Naitala sa 122-105 ang fiinal score ng laban ng Cavaliers at 76ers.
By Judith Larino