Sinita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang mababang COVID-19 booster vaccine uptake rate sa Ormoc City.
Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng 75th Ormoc City diamond charter day, binigyang diin ng pangulo na 33 % lamang ang booster uptake ng mga ormocanons.
Mahalaga aniyang maiakyat ito sa 50% porsiyentong upang makamit ang tinatawag na ‘wall of immunity’.
Dahil hindi na mandatory ang pagsusuot ng facemask, pinag-iingat din ng Pangulong Marcos ang mga residente laban sa impeksiyon.
Kasabay nito, muling hinikayat ng punong ehekutibo ang publiko na magpa-booster shot at suportahan ang “Pinaslakas” vaccination campaign ng pamahalaan kontra COVID-19. - sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)