Hindi na magtataka si Senadora Loren Legarda kung aaprubahan din ni Pangulong Rodrigo Duterte ang climate change agreement sa kabila ng pagkontra nito sa nasabing kasunduan.
Ayon kay Legarda, bagama’t ang mga bansang industrialized ang major emitter ng greenhouse gas, may pananagutan pa rin ang Pilipinas na tumulong na mabawasan ito.
Giit pa ng Senadora, lagi rin niyang naririnig sa Pangulo ang panawagan para sa climate justice na isa sa mga nakapaloob sa Paris climate change agreement.
Gayunman, sinabi ni Legarda na daraan ang kasunduan sa concurrence o pagraratipika ng Senado sa sandaling mapagpasyahan ng pangulo na pirmahan na ang nasabing kasunduan.
Bagama’t hindi na nagdududa si Legarda na hindi aprubahan ng Pangulo ang nasabing kasunduan, naniniwala pa rin siyang makikinig ito sa payo ng kaniyang mga adviser lalo’t kung talagang pakikinabangan ito ng Pilipinas.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno