Nangunguna ang usapin sa climate change at ang grupong Islamic State of Iraq and Syria o ISIS sa mga pinangangambahan ng mga tao sa buong mundo.
Sa survey na ginawa ng Pew Research Center sa Washington, higit sa 45 mga respondent sa 40 mga bansa sa mundo ang tinatanong kung anong isyu ang hindi nagpapatulog sa kanila sa gabi.
Nanguna dito ay ang isyu sa climate change sa pangunahing pinag-aalala ng mga tiga-Latin America, Asya at Africa.
Habang ang mga tiga-Europa at northern America pangunahing concern ang banta sa kanilang seguridad na dulot ng ISIS.
By Rianne Briones