Naging matagumpay ang isinagawang tree planting at growing activity ng Climate Change Commission PH at First Gen Corporation (First Gen) sa BINHI Arboretum, Eugenio Lopez Center, Antipolo, Rizal.
Ayon kay CCC Vice Chairperson at Executive Director Robert Borje, kasama sa mga itinanim nila ay mga seedlings ng Narra, Ipil, Supa at Banuyo.
Maliban kay Borje, dumalo rin sa aktibidad sina Mr. Francis Giles Puno, First Gen President & Chief Operating Officer; Ms. Shirley Cruz, Vice President & Chief of Staff; Mr. Ricky Carandang, Vice President for Corporate Communications; at Mr. Ramon Araneta, Vice President for External Affairs & Security.
Kasabay nito, nilagdaan naman ang isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng CCC at First Gen upang malinang at mapayabong pa ang kaalaman at kapasidad ng mga lokal na komunidad ukol sa pagpaplano at pagpapatupad ng climate change action.