Pormal nang magiging kasapi ang Pilipinas sa mga bansang nagsusulong upang labanan ang Climate Change o ang pabagu-bagong klima ng mundo.
Ito’y makaraang ihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na kaniya nang lalagdaan ang Climate Change deal na ipinasa noon pang isang taon.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Bago ito, binatikos ng Pangulo ang mga kanluraning bansa tulad ng Amerika dahil sa pagpapatupad ng carbon limit sa Pilipinas upang mabawasan ang epekto ng Climate Change.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Magugunitang sinabi noon ng pangulo na hadlang sa pag-unlad ng Pilipinas ang nasabing kasunduan kaya’t hindi niya ito kikilalanin.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
US rifle deal
Samantala, pinakakansela na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pambansang Pulisya ang pagbili ng may 26,000 assault rifles mula sa Estados Unidos.
Ayon sa Pangulo, kumpiyansa siya na makabibili pa ang Pilipinas ng dekalidad na mga armas na di hamak na mas mura kaysa sa iniaalok ng Amerika.
Kasunod nito, inatasan na rin ng Pangulo ang mga opisyal ng Philippine National Police o PNP na pag-aralan ang iba pang uri ng baril tulad ng M4 rifles na mabibili mula sa ibang supplier.
Gayunman, hindi nilinaw ng Pangulo kung ganti niya ito sa pagharang ng US Senate sa pagpoproseso ng lisensya para pagbebenta ng armas kaugnay sa mga naitatalang kaso umano ng extrajudicial killings sa bansa.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala