Lumagda sa isang deklarasyon ang may 200 nakaligtas sa pananalasa ng super bagyong Yolanda.
Ito’y bilang pagpapakita naman ng suporta sa isinagawang climate change summit sa Paris France kamakailan.
Pinangunahan ito ng Archdiocese ng Palo sa Leyte sa pamamagitan ni Fr. Al Cris Badana, tagapamuno ng Caritas Palo.
Ayon kay Fr. Badana, napakahalaga ang nasabing hakbang para ipakita ang pakikiisa ng lahat sa pagtugon sa climate change.
Aniya, walang makaliligtas sa epekto ng climate change partikular na ang mga lalawigan tulad ng Leyte na bantad sa iba’t ibang kalamidad.
By: Jaymark Dagala