Itinanggi ng United Nations na napabagal ng COVID-19 pandemic ng climate change.
Ayon sa UN hindi napababa ng pandemya ang epekto ng climate change at nananatiling maliit ang tsansa na mapabagal ito.
Nilinaw naman ng World Meteorological Organization na hindi sapat ang pagbaba ng co2 emission o mga usok na nagmumula sa mga sasakyan at pabrika para mapababa ang greenhouse gases.
Hindi rin patungo sa tamang direksyon ang kampanya ng mundo kontra climate change.
Malaki rin ang tsansa na hindi maabot ang target sa ilalim ng Paris agreement na bawasan ang global warming ng 1.5 degrees celcius.—sa panulat ni Drew Nacino