Tiniyak ni Environment Secretary Toni Yulo-Loyzaga na kabilang sa kanyang magiging prayoridad ang paglaban sa climate emergency at pangangalaga sa indigenous species.
Ayon kay Loyzaga, dapat labanan ang climate emergency sa pamamagitan ng climate adaptation measures at paggamit ng siyensya.
Dapat din anyang magsikap upang maipagpatuloy ang pangangalaga sa indigenous species bilang bahagi ng ating natural heritage kasabay ng paggamit sa resources para sa ika-uunlad ng bansa.
Kabilang ang climate change sa pinaka-malaking hamon sa buong mundo at matatandaang inihayag ni dating pangulong Rodrigo Duterte na umaasa siyang mas magiging maayos ang pagharap ng Marcos administration sa naturang issue.
Bago naging kalihim ng DENR, nagsilbi si Yulo-Loyzaga bilang chairperson ng international advisory board ng Manila Observatory at Advocate ng Advanced Research para sa climate at disaster resilience.
Nito lamang Martes ay nanumpa si Yulo-Loyzaga kay Pangulong Bongbong Marcos sa Malakanyang.