Ikinalugod ng Climate Change Commission o CCC ang pahayag ng Department of Education ukol sa pagpapaigting ng climate education sa K to 12 curriculum.
Ayon kay CCC Secretary Robert Borje, mahalagang maisama ang usapin ng pagbabago ng klima sa education curriculum na isa sa mga susi upang itaas ang kamalayan tungkol dito sa hanay ng mga kabataan.
Matatandaang bumuo ang DepEd ng Disaster Risk Reduction and Management Service o DRRMS para matiyak ang integrasyon ng climate literacy sa basic education alinsunod na rin sa Climate Change Act of 2009.