Tinatayang nasa 138 heads of state ang dadalo sa climate summit na gaganapin sa France.
Kabilang sa mga nagkumpirma ng kanilang pagdalo sina Panama President Juan Carlos Varela, US President Barack Obama, Chinese President Xi Jinping, Russian President Vladimir Putin at iba pa.
Ang Paris conference of Parties ay naatasang makagawa ng kauna-unahang kasunduan kung saan magko-commit ang mga bansa ma kikilos laban sa climate change simula 2010.
Ang Climate Summit ay gaganapin sa Nobyembre 30, 2 linggo matapos ang malagim na pag-atake sa Paris na ikinasawi ng mahigit 100 katao.
By Ralph Obina