UMANI ng suporta mula sa Governance in Justice o GOJUST Program ang itinutulak na clinical legal education ng Korte Suprema sa mga law schools sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office o PIO, sinimulan na ng GOJUST ang pagbibigay ng pondo sa mga paaralan na naatasang magpatupad ng CLEP o clinical legal education programs.
Nabatid na isang milyong pisong pondo kada taon ang ibubuhos ng organisasyon sa loob ng dalawang taon sa mga pribado at pampublikong law schools.
Matatandaang noong 2019 ay kinatigan ng Korte Suprema ang inilatag na Revised Law Student Practice Rule kung saan binago nito ang ilang probisyon ng Rules of Court.