Inaasahang sisimulan na ngayong linggo ang clinical trial ng anti flu drug na Avigan sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nilagdaan na ni Secretary Francisco Duque III at chancellor ng UP Manila ang clinical trial agreement para sa naturang potensiyal na gamot kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Vergeire, may ilan na lamang silang aayusin sa database para sa kanilang gagamiting information system ng electronic data capture form.
Oras na matapos na aniya ito ay bibigyan na nila ng permiso ang pagsisimula sa clinical trial.
Magugunitang noong Agosto, unang itinakda ang pagsisimula ng clinical trial sa Pilipinas ng Japanese anti-flu drug na Avigan na pinag-aaralan din bilang posibleng gamot kontra COVID-19.