Sinimulan na ng Pfizer Inc. at Biontech ang kanilang clinical trial para sa bagong bersyon ng kanilang COVID-19 vaccine para sa Omicron variant.
Balak ng nasabing mga kumpanya na gawing tatlong shot ang bubuuing bakuna para sa mga unvaccinated individuals at bilang booster shot naman para sa mga indibidwal na nakatanggap ng dalawang dose ng bakuna.
Sinabi ng Pfizer na kahit na nakakapagbigay ng mataas na proteksyon ang booster shots ay dapat pa ring maging handa sakaling humina ito laban sa Omicron at iba pang mga variant.
Samantala, plano rin ng kumpanya na kumuha ng 1,400 katao para sa nasabing clinical trial.