Daan-daang Pinoy sa United Arab Emirates (UAE) ang lumahok sa clinical trial para sa potensyal na bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa Department of Foreign Affairs, nasa phase 3 na ang clinical trial para sa COVID-19 vaccine na gawa ng Sinopharm, isang Chinese company at Abu Dhabi National Exhibition Centre.
Sinubukan na ito sa may 15,000 volunteers simula noong ika-16 ng Hulyo kung saan kabilang ang mga nagboluntaryong Pilipino.
Ayon kay Philippine Ambassador to UAE Hjayceelyn Quintana, ang boluntaryong paglahok ng mga Pilipino sa clinical trial ay pagpapakita sa kultura ng Pinoy na marunong makipagkapwa.