Sisimulan na ngayong buwan ang clinical trial ng mix and match ng COVID-19 vaccine para sa booster shot.
Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Gueverra, tuloy-tuloy ang ugnayan ng ahensya at DOH para talakayin ang mga paghahanda kabilang na ang training.
Ito’y upang matiyak ang tinatawag na”good clinical practice” ng mga tauhan ng proyekto.
Nagsasagawa na anya ng virtual site initiation visit ang project team kasama ang kanilang clinical research organization.
Sa ngayon ay hinihintay pa ang go-signal ng Food and Drug Administration bago mag-recruit ng mga kalahok sa clinical trial.
Kabilang naman sa trial sites ang mga lungsod ng Maynila, Marikina, Muntinlupa, Davao at Dasmariñas sa Cavite. —sa ulat ni Jenny Valencia Burgos (Patrol 29), sa panulat ni Drew Nacino