Posibleng simulan na ang clinical trial ng Pilipinas sa viral clearance of anti-parasitic drug na Ivermectin sa a-15 ng Nobyembre.
Ito ay ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Pena, inaayos pa nila ang mga protocols bago simulan ang pagsasagawa clinical trials.
Dagdag ng kalihim na bago matapos ang taong ito ay makapagbigay sila ng unang report ng naturang clinical trial.
Aniya, maraming lugar ang pagdarausan ng naturang trials para sa nasabing gamot.
Matatandaang nuong Abril unang inihayag ng DOST na magsasagawa sila ng clinical trials para matukoy kung ang Ivermectin ay magagamit laban sa Covid-19.