Magsisimula na ang clinical trial para sa bakuna kontra COVID-19 para sa mga residente sa lalawigan ng Cavite.
Ito’y ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla makaraang matukoy ang mga high risk areas sa kanilang lalawigan sa COVID-19.
Aabot aniya sa 10,000 residente ang makikilahok sa phase 3 field trial ng dalawang pharmaceutical company na nagsaliksik sa COVID-19 vaccine.
Kabilang sa mga isasalang sa clinical trial ang mga pulis, public transport drivers, factory workers at mga senior citizen sa lalawigan.
Gayunman, isasilalim muna sa testing ayon kay Remulla ang mga ito bago tuluyang maibilang sa isasagawang trials at inaasahang tatagal ng isang buwan bago malaman ang resulta.
Pagtitiyak pa ng Gobernador, mahigpit ang kanilang ugnayan sa Department of Health (DOH)para sa gagawing clinical trial.